Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena iimbitahan sa Gilas

0 116

Kabilang si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III sa ilan sa mga pababalikin sa Gilas Pilipinas pool sa sandaling magsimula ang national training camp para sa 30th International Basketball Federation Asia Cup 2021 tournament proper sa August 16-28 sa Jakarta.

“I expect to bring all of our players back in,” ani national coach Tab Baldwin bago umalis ang Nationals pa-Serbia Biyernes upang lumahok sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa June 29-July 4.

Kasalukuyang nasa Japan B.League si Ravena at kakukumpleto lang ng unang season sa SanEn Neophoenix. Nakapag-PH quintet na rin siya sa isang 2020 FIBA Asia Cup window.

Ang iba pang nasa kukote ni Baldwin ay sina Rey Suerte, Matt Nieto, Dave Ildefonso, Allyn Bulanadi, Tzaddy Rangel, Juan Gomez de Liano, Kobe Paras, at Kemark Cariño. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.