Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Castro, TNT laban hanggang dulo

0 253

Finals Game 3 ngayon (AUF gym)
6 pm – TNT vs. Ginebra
(Gin Kings lead series 2-0)

Smart Clark Giga City – Sa tuwing sumasampa sa Finals, hindi pa nalulubog sa 3-0 ang TNT.

Pero kung hindi makakapag-regroup ang Tropang Giga, malamang mabalaho sila pagkatapos ng Game 3 ng PBA Philippine Cup sa Pampanga bubble.

Nag-collapse sa endgame sa unang dalawang laro ang Tropa huli nang isuko ang 92-90 loss sa Ginebra noong Miyerkoles. Tulad sa 100-94 overtime win sa opener, mas steady ang Gins sa endgame ng Game 2.

Ayon kay coach Bong Ravena, tabla na sana sa tig-isang laro ang best-of-seven series kung hindi sila nawala sa porma sa dulo.

“Okay naman na sana, but we were outsmarted by them,” bulalas ng coach, na ginarahe si Ray-Ray

Parks dahil sa strained calf muscle. “Andu’n naman lahat – effort, play hard.”

May tsansa ang Tropang Giga na bawiin ang lead sa larong dinomina nila halos buong laro pero minadali ni Jayson Castro ang tira matapos umabante ang Ginebra 87-85 sa tira ni Thompson. Babawi si ‘The Blur’ mamaya.

“Andu’n naman kami kahit wala siya (Parks). Lumalamang na nga kami,” giit ni Ravena na 50-50 pa sa star guard-forward mamaya sa pag-asang makahirit. “It’s just that we have to finish strong.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.