Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena inoperahan

0 99

Pinapahinga na kasalukuyan ni Japan’s B.League 2020-21 Asian import Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III ng San-En Neophoenix ang inoperahang kanang kamay nitong Huwebes.

“Happy to announce that my operation was a success! Thank you to the wonderful team of Dr. Nakao at Chunichi Hospital and my @neophoenix_official family. Be back soon,” pahayag ng 24-anyos, 6-2 ang taas na shooting guard sa kanyang IG post.

SM food to go Banner Ad

Nabaldado ang ikaapat na daliri ng basketbolista nitong Sabado, January 2 nang habulin ang looseball sa third quarter game ng Neophoenix kontra Sun Rockers Shibuya.

Ang natamong metacarpal oblique fracture na may isa’t kalahating buwan ang tinatayang paghilom ang nagpabulilyaso ng pagbahagi niya rin sa B. League All Star Game at slam dunk contest. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.