Abante Tonite Interactive

Ravena, Kouame nangharabas, Ateneo-Pilipinas bumalikwas

2,335

Naligtasan ng Ateneo-Pilipinas ang Japan 80-74 para bumalikwas mula sa dalawang sunod na talo sa 40th William Jones Cup sa Xinzhuang Gym sa New Taipei City Miyerkoles nang gabi.

Pinamunuan ni Thirdy Ravena ang fourth quarter attack ng Blue Eagles na sumampa sa even 2-2 card.

Hawak ng Filipinos ang 37-31 lead sa break, lumayo pa ng hanggang 48-34 sa third pero nakabalik ang Japanese squad hanggang agawin ang lead 63-62 sa fourth.

Dito sumagasa sa rim si Ravena, ibinaon ang drive at nakakuha pa ng foul para muling ibalik sa Ateneo ang manibela.
Pinabuka ng Eagles ang bentahe sa 70-63, pero muli ay dumikit ang Japan 72-70 papasok ng final 2 minutes.

Pasok ang jumper ni Gian Mamuyac para mu­ling bigyan ng cushion ang Ateneo, bago sinupalpal ni Ravena ang sumunod na attempt ng Japan at kumapit na sa panalo ang Eagles.

Nagsumite ng 15 points at 14 rebounds si Angelo Kouame sa Ateneo, tumapos si Ravena ng 14 markers at nine boards.
Sunod na asignatura ng Blue Eagles ang Indonesia ngayong 1 pm.

Tonite – Wendys Inhouse Ad