Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena, Lakestars pinitpit ang Robots

0 55

Tuloy-tuloy ang pananalasa ni Kiefer Isaac Ravena at ng Shiga Lakestars sa 6th B.League 2021 elimination round makaraang tagpasin ang Ibaraki Robots, 85-77, sa Ukaruchan Arena sa Otsu City, Shiga Prefecture, Japan Linggo ng hapon.

Dinomina ng Lakestars ang Robots sa pangalawang pagkakataon makalipas na pilipitin din nitong Sabado, 93-88.

Bumida sa opensa ng Shiga si Tomomasa Ozawa na kumana ng 17 points at three rebounds. Nag-ambag naman si Ravena ng 11 markers, 7 assists at 2 boards.

Umakyat sa 3-1 win-loss slate ang marka ng Lakestars at sunod na makakatapat ang Kyoto Hannaryz sa Oktubre 16. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.