Abante Tonite Interactive

Ravena, Manuel may tribute kay ‘Mamba’

335

May go-signal na mula sa PBA sina Kiefer­ Ravena ng NLEX at Vic Manuel ng Alaska para gamitin ang jersey No. 24 sa papasok na 45th season ng liga na magsisimula sa March 8 sa Smart Araneta Coliseum.

Tribute ito ng dalawang player kay Kobe Bryant.

Nang mamatay si Kobe sa helicopter crash noong Jan. 26, nag-post pa si Ravena ng picture nilang dalawa ni ‘Black Mamba’. Kuha iyon noong 1998 sa ­unang bisita ni Kobe sa Manila, limang taon pa lang noon si Kiefer.

No. 87 ang gamit ni Manuel para sa panga­nay na anak na babaeng ipinanganak ng August 7.
Si Kiefer ay No. 15 na sapul pa noong high school day niya.

Kailangan lang abisuhan ng dalawa, pati ng kanilang mother ball club, ang PBA para mabago ang pagpapakilala sa kanila sa website at sa team merchandise.

“Notify lang nila nang mas maaga iyong liga para mailagay sa official roster iyong bagong jersey number nila,” paalala ni commissioner Willie Marcial. (Vladi Eduarte)