Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena niresbakan ni Durham

0 191

Binawian ni Allen Durham si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III at ang San-En NeoPhoenix nang kargahin ang Niigata Albirex BB, 86-79, sa 5th B.League 2020-21 elims Linggo sa Toyohashi City General Gymnasium sa Aichie Prefecture, Japan.

Kung nitong Sabado’y nabitin ang three-time PBA Best Import para matalo kay Ravena at sa San-En, 85-81, binisig ni Durham ang pagganti ng Niigata sa likod ng ng 17 points at 11 rebounds, lumagot din sa tatlong ragasa ng San-En ( 5-18) at anim na olats ng BB (5-18).

Nanguna para sa NeoPhoenix si Stevan Jelovac sa 24 markers at 9 boards habang kapos naman ambag ni Ravena na 10 puntos, limang rebound at isang dime. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.