Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena, Paras aasahan sa draft

0 546

Top pick ang Terrafirma sa susunod na draft, ang kuwestiyon ay kung pipili ang Dyip ayon sa kakulangan ng koponan o base sa best talent sa pool ng newbies.

Mainam naman ang core ng Dyip kina CJ Perez, Juami Tiongson, Rashawn McCarthy, 2019 top pick Roosevelt Adams, Glenn Khobuntin at Aldrech Ramos.

Kung tutuusin, hindi nga spare tire ang makukuha ng Dyip sa draft dahil malalim din ang listahan ng mga inaasahang magpapa-draft na.

Sina Jamie Malonzo, Thirdy Ravena at Kobe Para sang inaasahang headliners ng draft na sa susunod na gagawin, online. May Joshua Munzon, Troy Rike, Justine Baltazar at Jason Brickman pang matunog nang mag-a-apply.

Loaded ang susunod na class kung tutuloy na rin sina Ricci Rivero, Javi Gomez de Llano, Santi Santillan, Calvin Oftana at Larry Muray.

Daming pagpipilian ng Dyip kung talent rin lang ang pag-uusapan, kahit kung sa kakulangan nila.

Second pick ang NorthPort, hawak ng NLEX at third at fourth selections. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.