Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena, Parks may pa-gimik

0 54

Dahil napurnada ang 2022 B.League All-Star Game sa COVID-19 sa buwang ito , nakaisip na lang ng kakaibang gimik ang liga na nasa pang-anim na taon na.

Ipinalit ang online JBL Asia All-Stars-B. League Rising Star Special meet and greet for fans ngayong Biyernes kung saan tampok pa rin ang manlalarong magtutuos dapat sa kinanselang midseason extravaganza.

Bahagi pa rin sa pa-zoom sina Kiefer Isaac Ravena ng Shiga Lakestars, Ferdinand ‘ Thirdy’ Ravena II ng San-En Neophoenix, Bobby Ray Parks Jr. ng Nagoya Diamond Dolphins, Dwight Ramos ng Toyama Grouses, Kobe Lorenzo Paras ng Niigata Albirex BB at Javier Joaquin ‘Javi’ Gomez de Liano ng Ibaraki Robots.

SM food to go Banner Ad

Gayundin ang kapwa Pinoy import sa Division 2 ng liga na sina Juan Gerardo Gomez de Liano ng Tokyo Z at Kemark Carino ng Aomori Wat’s.

10 Pinoy fans ang mapipili sa pakulo na sisimulan sa alas-7:00 ng gabi na mapapanood ng libre sa YouTube channel ng liga. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.