Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Salamat MVP – Ravena

0 330

Unang nanggulat ang Shiga Lakestars nang basagin ang balita na nakuha nila si Kiefer Ravena bilang Asian Quota player sa Japan B.League Miyerkoles ng tanghali.

Naglabas ng statement ang NLEX na kailangang sumunod sa UPC o Uniformed Players Contract.

Ang posisyon ng Road Warriors ay kailangang masunod ang UPC at polisiya ng PBA.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero si Ravena, nagpapasalamat na sa NLEX, management at sa ilan pang opisyal na naging bahagi ng kanyang career sa PBA at sa Gilas Pilipinas.

“In light of today’s (Wednesday) announcement, I would like to thank my team, Shiga Lakestars, for this once-in-a-lifetime opportunity. Thank you for the trust and belief that a Filipino can perform and play in such a prestigious league. Domo arigatou gozaimasu,” aniya.

Kung babasahin ang post ni Kiefer, parang pinayagan na siya ng big bosses ng team: Binanggit niya sina owner Manny V. Pangilinan, Metro Pacific Investment Corp. chief Rod Franco, team executive Ronald Dulatre, si coach/team manager Yeng Guiao at teammates. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.