Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hirit nina Codiñera, Esplana: Ravena panlaban sa Europe

0 360

Kung sina Philippine Basketball Association legends Jerry Codiñera at Gerry Esplana ang tatanungin, kayang-kaya ni Japan B.League Asian import Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III na makipagsabayan kahit sa European hoops.

Naniniwala ang dalawang basketball mentor na ngayon na kayang-kaya ng 24-year-old, 6-foot-3 combo guard na naglaro sa San En NeoPhoenix ng B.League, na makapag-adjust sa Euro tyle basketball at doon magpasiklab.

“Kaya naman,” litanya ni Codinera sa Abante’s Sportalakan segment nila ni Esplana na ”Man to Man with JerGer” nitong Lunes kasama si main host Sarah Jireh Asido. “Remember si Thirdy bata pa yan. He’s fresh out of college. He’s willing to learn any — he’s adjusting well sa Japan league. Kung makikita mo, it’s a matter of adjustment. Ang bata determined talaga eh and the way they pay you, the way ‘yung mga contracts is going, talagang napakalaki.”

“With his physique, he’s skills, kaya niya.” dagdag pa ni Codinera, na isang kolumnista rin sa Abante.

Ipinunto naman ni Esplana na mahalaga para sa kahit sinong import sa Europa na mag-adjust sa sistema ng European play. “Kung makaka-adapt siya (Ravena) kabilis nun, why not and he is young, puwede naman.”

Nag-average si Ravena ng 9.1 points, 3.6 rebounds at 1.6 assists per game sa kanyang debut sa B.League. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.