Abante Tonite Interactive

Ravena, Road Warriors sinagasa ang ACes

RAVENA, ROAD WARRIORS SINAGASAAN ANG ACES

By
4,343

Masaya si NLEX coach Yeng Guiao sa ipinakita ng kaniyang mga bataan para makuha ang unang panalo sa best of three serye kontra sa Alaska kagabi, 105-99, sa MOA Arena.

Sisikaping maipagpatuloy ng NLEX ang magarang simula sa Game Two quarterfinals ng PBA Philippine Cup sa Miyerkules ng alas-7:00 ng gabi sa Big Dome.

Hindi mapigilan ang kisig ni Kiefer Ravena na kumana ng 25 points at 8 assists para pangunahan ang Road Warriors.

Nakalayo ng hanggang 11 na puntos ang Road Warriors bago matapos ang unang 24 minutos ng laro 50-39, na ang pinakamalaking kalamangan nito.

Ngunit agaran ding nahabol ng Aces ito dahil sa paghabar nina Chris Banchero, kakagaling lang sa injury, Calvin Abueva na may 18 points, 13 rebounds, at Simon Enciso na may 16. Pero kinapos.

Nakaresponde kay Guiao ang mga matitikas na sina Larry Fonacier, na may 18 points, nine rebounds, Kevin Alas 17 points, six assists, at sina JR Quinahan at Michael Miranda ay may 12 at 10 points.

“I’m just relieved that Game One is over – that’s the good news,” kiyaw-kiyaw ni Guiao. “The bad news is, we have to go through this again.” (Christian Cortez)