Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena, Sa-En kumalas sa 7 olats

0 280

Rumesbak si Asian import Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III at ang San-En NeoPhoenix sa pagsilat sa Shiga Lakestars 82-76 at kalsuhan ang pitong kabit na tilapon sa 5th Japan B. League 2020-21 sa Ukaruchan Arena sa Otsu Shiga Linggo.

Pumoste si Ravena ng seven points, six rebounds at three assists sa likod ng 28 markers, 12 boards at three feeds ni Stevan Jelovac para makapaghimagsik ang San-En sa 94-87 loss sa Shiga nitong Sabado .

Bumawi ang Neophoenix, nasabing araw, matapos dumapa sa Lakestars nitong Sabado 87-94.

SM food to go Banner Ad

Sumampa ang NeoPheonix sa 12-41 win-loss slate at sinalya ang biktima sa 18-33.

Sunod kay Ravena at tropa ang Ryuku Golden Kings sa darating na Miyerkoles. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.