Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena sama na sa batak

0 59

Kapiling nang muli ni Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III ang San-en Neophoenix matapos lumabas mula sa 14-day quarantine.

Ibinahagi ng team sa isang video sa Twitter Miyerkoles ang pagbabalik ng Pinoy import sa koponan na sasailalim na ng training camp para sa pagbubukas ng 6th Japanese B.League 2021-22 sa Okinawa Arena sa Sept. 30.

“#ThirdyRavena joins the team after a 14-day quarantine! Welcome back,Thirdy Please support him!” caption bidyo.

Limitado ang pagdribol ng 24-year-old, 6-foot-3 guard at former Gilas Pilipinas member sa unang season makaraang magka-injuries at COVID-19. May 9.1 points, 3.6 rebounds at 1.6 assists per game siya sa San-en.

Tumapos ang Neophoenix ng 12-47 win-loss record at ninth place sa West District. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.