Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena, San-En niyanig Nagoya

0 179

Pumoste ng 12 points at 1 rebound si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III nang gulantangin ng San-En NeoPhoenix ang Nagoya Diamond Dolphins, 85-82, sa 7th Japan B.League 2021-22 regular round sa Dolphins’ Arena sa Nagoya City, Aichi Prefecture Miyerkoles ng gabi.

Pinamunuan ni Elias Harris ang San-En sa kinayod na 27 markers at 11 boards para tapusin ang kambal na olats ng kampo na sumampa sa 6-30 kahit ‘di natinag sa pang-21 puwesto ng 22-team men’s hoopfest.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakatuwang din ng Pinoy import at ni Harris sina Yoshiyuki Matsuwaki na umiskor ng 17 at Robert Carter na naka-10 puntos sa pagsalya sa biktima sa 21-10 maski kumapit ito sa pampito.

May siyam na puntos lang para sa Nagoya si Bobby Ray Parks Jr. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.