Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena, San-En wagi sa Hokkaido

0 224

Muling bumida ang koponang pinaglalaruan sa 5th Japan B. League 2020-21 elimsni Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III, ang San-En NeoPhoenix tapakan ang Levanga Hokkaido, 80-74, Linggo sa sa Hokkai Kitayeru, Hokkaido.

Pinaangat nina import Kyle Hunt at Stevan Jelovac ang NeoPhoenix nang mag-deliber ng tig-double double record na 20 points, 15 rebounds at 22 markers at 10 boards, ayon sa pagkakasunod.

Ito naman ang unang pagkakataon na naging matamlay ang Pinoy hooper sa tig-iisang rebound, assist at steal lang niyang naiambag sa hukbo.

Dahil sa back-to-back victory, umangat ang kartada ng NeoPhoenix sa 4-17 win-loss kapantay nang tinalong Hokkaido. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.