Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena, Shiga ibubuhos galit

0 112

Ibubunton ni Kiefer Isaac Ravena at ng Shiga Lakestars ang ngitngit mula sa huling tatlong sunod na tilapon sa kasagupang Shimane Susanoo Magic sa pagpapatuloy ng 6th Japan B.League 2021-22 elims ngayong Miyerkoles ng alas-6:15 nang gabi sa Ukaruchan Arena sa Otsu City, Shiga Prefecture.

Nabalewala ang game-high 27 points at 10 assists ng Pinoy import nitong Linggo nang muling sumadsad ang tropa kontra sa defending champion Chiba Jets, 83-89.

Salampak ang Lakestars sa 6-5 win-loss card para sosyohan sa fifth spot ang Nagoya Diamond Dolphins at Shinshu Brave Warriors sa West district standing. Kakartada ng Magic sa 8-3 sa second spot ang Seahorses Mikawa .

Asinta naman ni Bobby Ray Parks Jr. at ng Nagoya na makaragasa kasalpukan ang running-fourth Hiroshima Dragonflies (7-4) sa alas-6:05 nang gabi sa Park Arena Komaki City sa Aichi Prefecture.

Kareresbak lang Dolphins sa Gunma Crane Thunders, 100-90 sa nagdaan ding Linggo na rito’y nag-ambag si Parks ng 12-marker at 5-rebound at 2-assist.

Aaksiyon din sa araw na si Dwight Ramos at kulelat na Toyama Grouses (1-10) kalaban ang Kyoto Hannaryz (2-9). (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.