Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena, Shiga sinunog Kyoto

0 117

May mahalagang kontribusyong 6 points, 4 rebounds at 3 assists si Kiefer Isaac Ravena upang muling ihawin ng Shiga Lakerstars ang Kyoto Hannaryz, 95-72, sa 6th B.League 2021-22 eliminations sa Kyoto City Gymnasium sa Japan Linggo ng hapon.

May 6 markers, 2 steals at 1 board ang Pinoy import nang silaban din ng Shiga ang Hannaryz nitong Sabado, 84-83. Ang fourth straight win ng Shiga ang nagpatabla rito sa liderato sa Hiroshima Dragonflies sa 5-1 win-loss record.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Sumiklab ang Lakestars sa third period para lumayo sa 62-49 mula dikitang 42-41 sa halftime. Dumistansya pa ng hanggang 20 ang tropa ni Ravena sa 91-61 para matiyak ang panalo, kasama ang pag-sweep din sa nakarang linggo laban sa Ibaraki Robots.

Nanguna sa Lakestars si Sean Omara sa 22 pts. at 15 rebs. Umayuda si Reine Shibata ng 15 markers sa pagsalya sa Kyoto sa 2-4. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.