Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena sokpa sa B.League All-Star

0 141

Napili para maging parte ng Japan B.League All-Star Game 2021 na gaganapin sa darating na January 15-16 sa Mito, Japan si Asian import Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III.

Swak para sa B.White team ang 23-year-old, 6-foot-2 Pinoy baller nang makalikom ng 27,593 votes at pumuwesto na pang-siyam sa guard position.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nag-aaverage siya average ng 9.3 points, 4.0 rebounds at 1.44 assists ang 6-foot-2 sa San-En Neophoenix sa kasalukuyang 5th B.League 2020-21 kung saan may 4-17 win-loss record ang team.

Bubuo sa starting five ng B.White ni coach Kenji Sato sina Yuki Togashi ng Chiba Jets, Ryusei Shinoyama mula Kawasaki Brave Thunders, Kosuke Kanamaru ng Seahorses Mikawa, Sebastian Saiz ng Chiba Jets at Nick Fazekas Kawasaki mula ng Brave Thunders.

Bibida naman sa first five ng B.Black team sina Makoto Hiejima, Yuta Tabuse, Ryan Rossiter at Jeff Gibbs ng Utsunomiya Brex at Julian Mavunga ng Toyama Grouses na iko-coach ni Luka Pavicevic. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.