Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena tiklop sa ika-2 laro

0 277

Bigong mabigyan ni Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III ng second straight win ang San-En NeoPhoenix sa 5th Japan B. League 2020-21 elims nang yumuko sa Shimane Susanoo Magic, 81-74, Linggo sa Yonago Industrial Gym sa Yonago, Tottori, Japan.

Nabitin ang nilistang near-double double na 12 points at 8 rebounds ng pangalawa sa tatlong magkkapatid na atletang Ravena upang ibigay sana ang ikatlong dikit na panalo para sa kanyang team.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bumawi naman ang Shimane sa pagkakatalo nitong Sabado nang puruhan ang San-En sa mismong home court tio para akayin ang koponan sa fourth ng Western conference sa 6-6 win-loss record.

Bagsak sa 2-10 ang koponan ni Ravena na nagdadala sa kanila sa ilalim ng parehong komperensya. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.