Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena, TNT ligtas sa Inspire

0 63

Pasado sa TNT ang itinayong bubble sa Inspire Sports Academy Complex sa Calamba, sinabi ni coach Bong Ravena na posibleng i-stretch pa ng KaTropa ang pananatili sa compound.

Mas maganda na aniya na hindi na sila lumabas dahil tingin nila ay mas-safe sila sa loob.

“Malamang dito pa rin kami,” ani Ravena nitong Martes. “Kasi protected ka, nasa sariling bubble ka. If you go back to Manila, balik-activities ka, maaaring lumabas ka. Hindi mo alam, pero bigger risk nandoon kasi open na ‘yan, eh.”

Mula nang dumating sa National U-Laguna campus, suwabe na ang apatang workouts at conditioning ng TNT.

Malapit pa ang Asian Hospital, nasa pagitan lang ng dormitel at gym, ayon sa coach ay nasa 10 meters lang ang pagitan. At kumpleto rin ang amenities.

“May cable TV, Internet. Also, ang ganda ng equipment, kumpleto,” dagdag ni coach Bong. “’Yung bench (press), mga anim o walo. ‘Yung treadmill, mga anim kaya hindi nag-aagawan.”

Hanggang Sept. 9 sana sa Inspire complex ang KaTropa, pero mukhang tatagal pa.

“Controlled environment talaga rito at walang istorbo. Mas maganda na kami rito, mas safe,” panapos na wika ni Ravena. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.