Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena umaray sa parusa ng PBA

0 79

Good news sa mga PBA player ang balita na sa Oktubre na ang posibleng balik-aksyon ng liga sa Pampanga, pero kasunod nito ang masakit na parusa para sa mga atleta na mahuhuling lalabag sa health protocol.

Hindi napigilan ni NLEX star Kiefer Ravena ang mapaaray nang mabasa ang bigat ng parusa para sa sinumang manlalaro na magtatangkang magpasaway sa restart ng Philippine Cup.

Ayon nitong Huwebes kay PBA commissioner Willie Marcial, P100,000 ang multa para sa mga sasaway sa bubble protocol, bukod pa ang pag-ipit sa isang buwang suweldo ng player at tatlo hanggang limang laro suspensyon. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.