Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena vs ex-SMB import dakdakan

0 231

Makalipas pangalanang reserve ng B.White Team sa B.League All-Star Game 2021 sa darating na January 16, napili rin si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III bilang isa sa mga kalahok sa Dunk Contest sa Jan. 15 sa Adasutria Mito Arena sa Ibaraki, Japan.

Pero nahaharap ang 23-year-old, 6-foot-2 high-flyer sa Japan league’s midseason offering dahil sa mga astig ding kasali.

Nangunguna rito sina 2011 Philippine Basketball Association import Ira Brown ng San Miguel Beer at ngayo’y naglalaro sa Osaka Evessa ng nasabing Land of the Rising Sun league, defending champion Sebas Saiz ng Chiba Jets.

Magpapasiklab din sina Koh Flippin na teammate ni Saiz, Richard Solomon ng Toyama Grouses, Kosakebe Yasuaki ng Alvark Tokyo at iba pa.

Naglalaro ang Pinoy cager bilang Asian import sa liga sa San-En NeoPhoenix team sapul nitong November. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.