Abante Tonite Interactive

Rayantha waging New Female Recording Artist

By
119

Patuloy ang magandang takbo ng showbiz career ng newbie recording artist na si Rayantha Leigh. ‘Nahuhulog’ ang unang single niya na sinundan ng ‘Laging Ikaw’ na komposisyon ni Kedy Sanchez.

Bukod sa pagiging singer, sumabak na rin siya sa pag-arte sa TV at pelikula. Mapapanood si Rayantha sa pelikulang ‘Unang Yugto’ starring Lotlot de Leon at Martin Escudero ni Direk Moises Lapid, sa ‘The Prodigal Prince’ ng Net25 at ‘Bee Happy, Go Lucky’, kaya mapapakinabangan niya ang natutunan sa acting workshop sa Cornerstone at kay Ogie Diaz.

Thankful din si Ra­yantha sa nakuhang award sa PMPC Star Awards for Music bilang New Female Recording Artist of the Year (Laging Ikaw-Ivory Music and Video, Inc.). Aminadong may added pressure ito sa dalagita. “Thankful po ako sa lahat ng sumusuporta sa akin and kay God po. Sa PMPC sa parents ko po…

“Opo may pressure, siyempre po mataas po ‘yung expectations sa akin ng mga tao. Kaya po ako, talagang ginagawa ko ‘yung best ko kada performance and gusto ko naman po talaga ‘yung ginagawa ko,” saad niya sa Tambayan ng Tsika Tonite, online show ng Abante Tonite.

Sino ang mga singing idol niya at kaninong loveteams siya kinikilig? “Ako po iniidolo ko po ngayon, favorite ko po, IV of Spades and Unique Salonga. Sa mga loveteams sa JaDine po.”

Nabanggit din niya ang mga dapat abangan sa kanya. “Bukod sa Bee Happy, Go Lucky, 9-10PM at The Prodigal Prince sa Net 25 din po, mayroon po akong upcoming mini-concert ko, tentative po is October 21. Plus next year po, ire-release na yung new album ko and new single ko,” masayang wika niya.

Kung papiliin between singing and dancing, ano ang mas pipiliin? “Siyempre po singing, kasi po rito po ako nag-start and piwede ko naman po gawin both. Pero ‘pag papipiliin po talaga ako, singing and siyempre sa singing lang po ako nagkakaroon ng awards and sa singing po ako nakikilala.”

Ano pa ang gustong ma-achieve aside from being a part of show business?

“Dati po, gusto ko po talagang maging flight attendant. At kung hindi po flight attendant, siguro po doctor or magpapagawa po ako ng sarili kong clothing line. Actually nga po, ako po ‘yung namimili ng mga susuotin ko. I think, namana ko po yung fashion sense ni mommy,” nakangiting saad pa ni Rayantha.