Abante Tonite Interactive

Raymond asar muna kina Japeth, Greg

775

Finals Game 1
sa Enero 7, 2020:
(Smart Araneta
Coliseum)
7:00 pm – Ginebra vs Meralco

Magkakaibigan sina Raymond Almazan, Japeth Aguilar at Greg Slaughter pero pagdating ng Finals ng PBA Governors Cup, galit-galit muna.

“Finals is Finals,” giit ni Almazan.

Dumating si Almazan sa Meralco noong May at nagkaroon ng lehitimong big ang Bolts.

Ngayon ay bumalik sa championship round ang Bolts, si 6-foot-8 Almazan ang pangunahing itatao ni coach Norman Black sa gitna.

Mapapalaban siya kina Slaughter at Aguilar ng Ginebra.

Pagsiklab ng best-of-seven sa Jan. 7 sa Smart Araneta Coliseum, itatabi muna sa baul ni Almazan ang bonding nila ng mga katapat sa kabila.
“Wala munang kaibi-kaibigan,” diin pa niya. “Kung maaari, wala munang pansinan.”

Locked in si Almazan sa paghabol ng una niyang titulo sapul noong 2016 Commissioner’s Cup habang nasa Rain or Shine pa.

At para ‘di mawala ang focus sa series, may pinag-iisipang gawin ang dating NCAA MVP mula Letran:

“Baka puwede, i-unfollow ko muna si Japeth sa Instagram.”
Sa sagarang best-of-five semifinals kontra TNT, ‘di masyadong naging epektibo si Almazan dahil natoka siya kay Troy Rosario na stretch-4.
Nailalabas sa paint si Almazan dahil naglalaro malayo sa basket si Rosario.
Ngayon ay mga lehitimong bigs ang makakatapat niya kina Slaughter at Aguilar.

“Gusto ko ‘yun kasi talagang mga big man ‘yun eh,” wika ni Alamzan. “Match ‘yung Finals.”

Greg o Japeth?
“Sino’ng kukuhain ko? Wala akong pakia­lam!” wakas niya. (Vladi ­Eduarte)

Tonite – Wendys Inhouse Ad