Abante Tonite Interactive

Raymond ginutom ang sarili

946

Tulad ng ibang kilalang Holly­wood actors, kakaiba ang maga­ling at award-winning actor na si Raymond Bagatsing pagdating sa kanyang craft.

Kinakarir talaga niya ang paghahanda sa anumang role na itinoka sa kanya.

Sobra ang na­ging immersion niya noon sa pelikulang “Dahlin’ Nick”. Naulit ito sa pelikulang “Quezon’s Game” na ginagampanan niya ang role ni Manuel L. Quezon.

Abante Hiring – IT dep

“Nagpapayat ako, nagpatanda. How do I do that? Bihira akong kumain. Puro kape all day para matuyot ang mukha ko para lumabas ang mga linya.

Actually, humumpak nga ang mukha ko kasi kailangan kong to look slim…kasi ganoon si Quezon,” kuwento niya.

Sa kanyang pagsasaliksik sa buhay ni Quezon, nalaman din niya na kung gaano katalino at kalaki ang puso nito.

Sa May 29 ang showing nito. (Archie Liao)