Abante Tonite Interactive

Raymond nakikipag-unahan na maglagay ng insenso pag Chinese New Year

794

Hanggang ngayon ay ramdam pa rin ang pagdiriwang ng Chinese New Year sa Pilipinas. Purong Tsinoy man, may dugong Chinese at maging ang ibang Pinoy ay nakikiisa na rin sa taunang okasyon. Siyempre pa, hindi rin nagpapahuli ang mga celebrity sa pagdiriwang na ito kagaya na lamang ng kilalang stage, movie at tv actor na si Raymond Francisco. Paano nga ba niya ipinagdiriwang ang Chinese New Year?

“Sumusunod talaga ako sa mga Chinese principles at customs, kasama na diyan siyempre ang pag-celebrate ng Chinese New Year. For the past 15 years, I religiously make it a point to welcome the New Year in the Chinese Temple. I like to bring my close friends, we burn incense and offer prayers, see the Feng Shui master to reveal our fate for the coming year – kung anu ang good luck at mga dapat iwasan.

“They also say na suwerte to be the first to put incense sa urn at midnight – sa eve ng Chinese New Year, kaya yearly talagang pinaglalaban ko yan na mauna sa paglagay ng incense sa urn ng Chinese Temple,” esplika niya.

Itinuturing naman niyang suwerte ang pagpasok ng Chinese New Year sa kanya ngayong 2020.

“Always suwerte! Hahahaha! But yes, confirmed ng Feng Shui master na swerte ang year na ito sa akin. Unang-una, because of my birthday. I’m year of the Dragon and maganda ang Year of the Rat para sa aming mga Dragon.”

Sa lovelife kaya?

“Kahit anong year masuwerte ako pagdating sa LOVE dahil in love na in love ako sa FRONTROW!” sey niya.

Sa kanya namang career, positibo rin ang daloy nito dahil wala na siyang mahihiling pa.

“Besides sa patuloy na success ng FRONTROW, maswerte ako sa career dahil nai-enjoy ko ito. I love what I do, being in this business let’s me interact with people, I get to act, I get to inspire, and I feel very fortunate na I’m at that point na nagagawa ko ang mga gusto kong gawin.

“I’m free to pursue my heart’s desires and work NEVER feels like work. Wala na talaga akong mahihiling pa for myself.”

“Hula sa akin ng Feng Shui Master na this year will be very auspicious. I can do whatever I wish sa career ko and it will prosper. Kahit anong gawin ko will have a MIDAS touch… and I claim it!” (Rodel Fernando)