Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Raymond nangamba sa turok

0 305

Medyo nangangamba si Raymond Bagatsing na magpaturok ng bakuna kontra sa coronavirus disease.

Sa virtual media conference ng ‘Nelia’, tinanong ang beteranong aktor kung magpapabakuna ba siya.

“Medyo apprehensive ako na magpa-vaccine dahil sa controversy na lumalabas like sa US, lalo na yung mga older, senior citizens na… hindi ko alam kung gaano katotoo yun pero may lumalabas na may namamatay, nagkakasakit na hindi kaya ng katawan nila,” sagot ni Raymond.

“Yung mga ibang doctors na rin from international [societies] of doctors coming from Europe and the US, sabi nila it’s too early to really say [if] it is totally effective and safe,” sey niya pa.

SM food to go Banner Ad

Dahil dito, gusto niya munang gumitna sa isyu ng pagbabakuna at magpapaturok aniya siya kung kinakailangan.

“Ako naman, I play in the middle. Kung kailangan ko pong magpa-vaccine and I have no choice, I will take it just because it will keep everyone safe and myself,” lahad ni Bagatsing, habang sinasabi na Diyos na ang bahala sa kanya.

Kasama ni Raymond sina Winwyn Marquez, Mon Confiado, Dexter Doria, Ali Forbes, Shido Roxas sa nasabing upcoming thriller movie. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.