Abante Tonite Interactive

Raymond, natalsikan ng dugo ng nagpepenitensya

143

MALAPIT nang magsimula ang bagong drama series ng ABS-CBN 2 na Pusong Ligaw at isa sa abala sa promo nito ay si Raymond Bagatsing na may mahalagang role sa naturang serye.

Ngayong Holy Week ay iba muna ang pagkakaabalahan ng aktor dahil darating dito ang m­ommy niyang nakabase sa Melbourne, Australia.

Balak ni Raymond na ipasyal sa Tagaytay at Palawan ang mommy niya. Ngayong Holy Week, meron silang dadala­wing mga estudyanteng sa Nagcarlan, Laguna na tinutulungan ng pamilya.

Pupunta rin sila sa San Gregorio, Nueva Ecija kung saan lumaki si Raymond.

Naaalala niya noong bata pa siya, ang hilig niyang magkukuha ng litrato ng mga namamanata roon.

Meron doong nagpepenitensya na tala­gang sinasaktan ang katawan nila.

Merong nagpenetensya na hinihiwa ng blade ang likod nila at hinahampas.

Minsan pa ay nata­talsikan siya ng dugo ng mga nasusugatan sa pe­nitensya.

Nagpahayag ng pag­kabilib si Raymond sa mga nagpepenitensya nang ganun dahil hindi sila nahihiyang aminin sa lahat na nagkasala sila at pinaparusahan ang sarili bilang pagsisisi sa mga kasalanan.

Pahayag ng aktor, “I actually thought about it. Kasi parang feeling ko, ang laki ng respeto mo sa kanila na para lang sila makabawi sa kung ano mang nagawa nilang kasalanan kay Lord, na kaya nilang saktan, isakripisyo ‘yung pain para lang sa pagmamahal nila sa Diyos.

“It doesn’t mean I agree with it. Kasi, me­ron namang ibang paraan para magawa ‘yun.

“Pero sobrang hanga lang ako na kaya nilang tanggapin ang ganu’ng sakit ng katawan at paghihirap.”