Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rayver aprub sa magulang ni Julie Anne

0 58

NI: BETH GELENA

Wala pang opisyal na pag-amin sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, pero heto at sinasabi ng una na approve raw si Rayver sa kanyang magulang.

Sa isang panayam ay natanong ang singer-TV host kung ano na ang estado ng relasyon niya kay Rayver.
“Ang totoong status ko po ay masaya naman po, very, very happy,” ngiting sagot ng Kapuso singer-actress.

“Siguro yung specific question niyo po, mas mabuti po siguro kung siya na lang ang tatanungin niyo,” dugtong ni Julie Anne.

Kung lagi raw nakikita si Rayver sa kanilang house, yun ay dahil welcome ang aktor sa kanyang mga magulang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.