Abante Tonite Interactive

Rayver binulaga ang PBA legends

1,199

Sa likod ng 23 points ni Rayver Cruz, naka­ungos ang Team Cele­brity Black kontra PBA Legends-UNTV Players White, 102-101, sa Wish Olympics kamakalawa sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Inorganisa ng Wish 107.5 sa pangunguna ni president at CEO Kuya Daniel Daniel Razon ito upang tulungan ang mga pamilyang naapek­tuhan sa pagsabog ng Taal Volcano sa naka­raang buwan.

Nag-ambag kay Cruz ng tig-17 ­puntos ang kapwa aktor na si Axel Torres at singer Young JV upang pabagsakin ang playing-coach Allan Caidic-led PBA-UNTV Legends team. Si ex-pro Emman Monfort na naglalaro ngayon sa NLEX Road Warrios sa PBA ang coach ng mga artista.

Silat man marami pa rin ang naantig sa ginawang 25 puntos ni Caidic at ang 12 at 11 puntos nina Chris Calaguio at ex-Ginebra star Jayjay Helterbrand. Present rin sa one-day event sina Johnny Abarrientos at Willie Miller.
“I am thankful to Kuya Daniel because of this opportunity to help the Taal eruption victims,” pahayag ni Caidic.

Samantala, ­nanguna naman sa volleyball match si TV presenter Gretchen Ho na inakbayan ang Team Black kontra Team Orange, 26-24, 17-25, 25-18, 10-25, 15-9.

Kabilang rin sa volleyball match ang ibang celebrity at collegiate stars na sina Cathy Bersola, Che Sindayen, Roma Joy Doromal, Jem Ferrer, Heather Guino-o Aya Fernandez, Gwen Zamora at Claudine ­Barreto.

“More than anything, it’s all about camaraderie and appreciating volleyball and bringing the game to Wish fans,” ani.

Iskor sa basketbol:
BLACK 102 – Cruz 23, JV 17, Torres 17, Acao 13, Falcon 10, Herrera 8, Sillona 6, Casino 4, Alandy 2, Blanco 2, Herras 0.

WHITE 101 – Caidic 25, Calaguio 12, Casaysayan 12, Helterbrand 11, Flormata 9, Gonzales 8, Abarrientos 7, Miller 6, Vasallo 6, Tolentino 5.
Quarters: 24-34, 42-67, 74-74, 102-101. (­Aivan Episcope)