Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rayver ‘di pa handang palitan si Janine

0 193

Finally ay kinumpirma na ni Rayver Cruz na single siya ngayon na indirect na ring pag-amin na talagang wala na sila ni Janine Gutierrez.

Magbuhat kasi nang napabalita ang break-up nila last November ay hindi pa nagsasalita sina Janine at Rayver.

Last Sunday, sa pamamagitan ng game na Stop Dance sa All Out Sundays ay napaamin nang ‘di oras si Rayver.

Sa nasabing game na sinalihan ng mga Kapuso stars, kapag gumalaw ang contestant once the music stops ay may tanong sa kanila na kailangan nilang sagutin.

At ang nakakatuwa, sa bandang huli, ang natira na lang talaga ay sina Rayver at Julie Anne San Jose na noon pa nali-link sa isa’t isa.

So, natalo si Rayver kaya tinanong siya ni Pokwang.

“Ayoko sanang tanungin ‘to pero bilang tsismosa ‘ko. . .Rayver, alam na ng buong mundo na single ka na. . .” simulang hirit ni Pokwang at napangiti si Rayver.

Patuloy ni Pokie, “ready ka na bang magmahal muli?”

Nakangiting sagot ni Rayver, “you know what, guys, hinay-hinay lang muna” sabay-sabi kay Pokwang “pero tama ‘yung sinabi mo” at tumatawang umalis na sa camera.

Tawanan naman lahat at pati si Julie Anne ay bongga ang ngiti.

Well, sabi nga nila, pag natatawanan mo na ang break-up, ibig sabihin ay naka-move-on ka na.

Leave A Reply

Your email address will not be published.