Abante Tonite Interactive

Rayver ‘di sinipot sina Kris, Thea

By
1,709

tonite-pak-allan-dionesTuloy na tuloy na ang paglipat ni Rayver Cruz sa Kapuso network.

Ayon sa aming very re­liable source, ready na ang show na ibibigay ng GMA kay Rayver at siya na lang ang hinihintay.
Ang sabi sa amin ay sina Kris Bernal at Thea Tolentino ang makakatambal ng hunky actor sa paglipat nito ng bakuran. Isang teleserye na panghapon ang unang project ni Rayver.

Nu’ng isang araw ay nag-storycon na ang nasabing afternoon drama, pero walang Rayver na dumating.
Feeling tuloy ng mga magiging co-star ng dating Kapamilya hunk ay may inaayos pa ito sa kabilang network kaya hindi ito nakasipot.

Well, according to our source ay plantsado na ang lahat, so manggugulat na lang si Rayver one of these days at pipirma na ito ng kontrata bilang isang Kapuso.

Natapos na raw nito ang mga dapat tapusin sa kabila at nakapagpaalam na rin ito nang maayos, so wala nang problema.
Actually, ang una naming narinig na chika ay magiging part si Rayver ng cast ng ‘Cain at Abel’ nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo. May isang karakter pa raw kasing papasok sa istorya na brother din nina Dong at Dennis.
Bongga rin sana ‘yon kung totoo dahil dalawan­g bigating Kapuso actors agad ang makakatagisan ni Rayver sa akti­ngan. At parang ang ganda rin sanang pagmasdan ng tatlo bilang magkakapatid.

Anyways, kabilang sa pinaka-excited sa paglipat ni Ray ay ang JanVer fans nila ni Janine Gutierrez.
Siyempre, puwedeng-puwede nang pagtambalin ang JanVer ‘pag nasa GMA na si Rayver, kaya sobrang looking forward dito ang mga supporter ng dalawa.

Happy rin for sure si Janine na magiging ka-network na niya ang kanyang loving boyfie.
Sana nga ay magkaroon ng bagong sigla ang career ng 29-anyos na binata at mas maipakita niya sa bago niyang tahanan ang mga kaya niya pang ibigay bilang isang aktor.
Good luck, Rayver!!