Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rayver, Julie Anne todo kilig

0 177

Sa true lang. ang diva tnat you love biglang nanalig na may chemistry nga ang Limitless Star Julie Anne San Jose at ang ka-close nitong hunky actor at dancer Rayver Cruz.

Ang dahilan kaya nanalig at naramdaman ko ang chemistry, ang sabayang awit nina Cruz at Rayver at si San Jose ang tumitipa sa piano. Wow! Ngayon ko lang napagtanto na they looked great together.

Ang masculine aura ni Rayver ay talagang bagay na bagay sa powerful feminine vibe ni San Jose.K itang-kita naman sa body language nila na sila ay tunay na kumportable at malapit sa isa’t-isa.

Impressive much ang katotohanan na ang binatang mahusay kumadyot at gumiling habang nagsasayaw ay can carry a tune .Ang malamyos na pag-awit ni San Jose naman eh talagang nagpatingkad sa letra ng kanilang inaawit.

Captured din ang pagkabigla, pagtawang may hindi maitatagong kilig ng Limitless Star. Kasi nga, high five o pag-apir sa kanilang mga palad ang balak ni Julie Anne matapos ang kanilang pagkanta pero hindi mapigilan ni Cruz ang damdamin kaya ayon, yinakap niya with so much affection ang kasamang kumanta.

Aww… sweetness overload ang the moves na pag-hug ni Rayver sa kanyang sinisinta, sa true lang. Panalo sa kilig. Nakaka-happy at giddy much at kitang-kita ang positibong effect na ito kay Julie Anne dahil kahit wala siyang hint of make up sa video, iba ang glow! Blooming at blossoming talaga siya, sa true lang.

Naway totohanan na ang closeness na ito nina Julie Anne at Rayver. Ang pag-aamin nilang in a relationship ang kanilang status ay mangyari na sa pinakamalapit na hinaharap.

Leave A Reply

Your email address will not be published.