Abante Tonite Interactive

Rayver nakipag-bonding sa pamilya ni Janine

0 1,006

tonite-pak-allan-diones

Kung si Janine Gu­tierrez ay laging present sa halos lahat ng ganap ni Rayver Cruz, si Rayver ay ganu’n din maging sa family­ get together nina Janine.

Last Sunday ay may paganap ang madir ni Janine na si Lotlot de Leon sa bahay nito sa Alabang at kumpleto roon ang pamilya.

Ang ganda nu’ng pic ni Balot kasama ang mga kapatid nitong sina Ian, Matet, Kiko at Kenneth. Present din mga anak nito from Janine to Jessica, Diego (na kaka-graduate lang ng college) and Maxine.

Very part of the family si Rayver sa kanilang group pic. Nagpamisa pala si Balot sa house para sa kanilang lahat, na fee­ling namin ay may kinalaman sa nalalapit nilang kasal ng Lebanese fiance niyang si Fadi El Souri.
Sa December ang wedding nina Lot at Fadi sa isang beach resort sa Batangas.

Ever since ay botong-boto si Balot kay Rayver para sa kanyang dalaga at maging ang pamilya Cruz ay love na love din si Janine, kaya kita mong very happy ang JanVer.

Actually, hindi raw in-expect ni Janine na mag-aasawa ulit ang mommy niya pero ang hangad niya lang dito ay maging happy ito at may makasama sa pagtanda.

She really likes Fadi dahil alam niyang inaalagan nito ang mama niya at masaya si Balot. Natuwa siya na nakahanap na ito ng forever.

Si Janine kaya ay nahanap na rin ang forever niya kay Rayver?! PAK!
***

Tony pinasakan ng inihiang tela sa bunganga

Full house ang Main Theater ng CCP sa gala screening ng ‘ML’ (Martial Law) na pinagbibidahan nina Mr. Eddie Garcia at Tony Labrusca.

Dumagsa ang mga fan ng Kapamilya hunk na si Tony, na lahat excited mapanood ang first movie ng binata. Ang lakas ng ti­lian nila at buhay na buhay ang audience.

Tumodo ang pelikula sa graphic tortures scenes, na para kang nanonood ng ‘Saw’ o ‘Hostel’ movies na unti-unting kinakatay ang biktima. Horror levels ang dating nito.

Si Tony ay hindi lang bugbog sarado sa dating pulis na si Tito Eddie. Tinanggalan pa siya nito ng mga kuko gamit ang pliers,­ hinataw ng golf club sa mga paa, pinasakan ng inihiang tela sa bunganga saka nilagyan ng duct tape at saka kinuryente sa ari.

‘Yung nobya niya ay pinaso ng sigarilyo sa utong at sa isa pang suso, tapos ay sinalpakan ng bote sa pukersha. Ganu’n kasadista ang pelikula.

In fairness ay havey ‘yung tropa ni Tony na tinortyur din. Aliw ‘yung tanong dito ni Tito Eddie na, “Saan ang Valkyrie? ‘Yun ba ang headquarters n’yo?” na sinagot nito na sa BGC at handa nitong isama roon ang matanda­ at bibigyan pa ng babae.

Kung maghahanap ka ng malalim­ na insights tungkol sa Martial Law ay hindi mo ‘yon matatagpuan sa pelikulang ito dahil isa lang itong komerysal na suspense-thriller.

In fairness ay mukhang puwede itong magkaroon ng theatrical release dahil ang lakas ng hiyawan ng audience sa mga eksena. May chance itong bumenta sa Pinoy audience na mahilig sa ganitong klase ng pelikula.