Abante Tonite Interactive

Rayver sinibak sa ‘Bagani’

By
7,359

Bongga ang pamamaalam ni Rayver Cruz sa Bagani.

Bukod sa binigyan ito ng mahabang moment sa kanyang fight scenes, para nga siyang certified action star sa kanyang mga stunts.

Although kapuna-puna na hindi na talaga siya binigyan ng dialogues. Kung tutuusin, parang nag-cameo lang siya. But his death scene was quite dramatic ha, dahil pinagkumpulan siya ng ilang mga bida sa fantaserye.

Alam na ng lahat na very soon ay sa bakuran na siya ng GMA 7 mapapanood at sinabi naman niyang more than anything else, ‘pamil­ya’ ang kanyang inisip kung bakit kinailangan niyang lumipat.

Male TV host palihim ang paglipat

Paglipat ba ika?

Naku, gaano katotoo ang tsismis na nasagap namin na meron pa uling isang hindi na masyadong masayang male host. Palihim nang nakikipag-usap sa isang network na balak niyang lipatan.

Bukod daw kasi sa pa­ngako na gagawin siyang numerong host ng network, plano ring tuparin ang matagal na nitong dream na magdirek ng show bukod pa sa umarte sa mga serye.

Sa present network na kinabibilangan niya, puro audition na lang ang en­ding ng kanyang acting career. Hindi siya natutuloy sa project dahil ang tingin sa kanya ay isang magaling na ‘host’ lang.

Yun na!

Jay Sonza ayaw patulan

Hayaan na natin, ganyan yata kapag hindi busy o walang magawa,” ang simpleng reaksyon ng dalawa sa ilang mga binanggit na pangalan ni Jay Sonza. Tungkol ito sa mga bagong sibol na reporter o anchor na umano’y mababaw, bastos, walang breeding at hindi aral sa mga isyu.

Bukod tanging si Ed Lingao ng TV 5 ang very vocal to answer back. Sina Joseph Morong, Kara David, Arnold Clavio, Joel Zobel (GMA 7), Alvin Elchico, Karen Davila, Zen Hernandez, at isa pang lady ng ANC (ABS-CBN), Lourd de Veyra at isang hindi kila­lang news reader ng TV 5, ay dedma lamang. Marahil ay natawa na lang din sila sa patutsada ng dating sikat na mamamahayag.

“Para namang hindi natin siya kilala o nakatrabaho. Baka lang ganyan niya ini-enjoy ang social media,” hirit pa ng aming mga kausap.