Abante Tonite Interactive

Julie Anne ‘di magiging ‘ahas’ kay Rayver

0 606

Sobrang grateful at feeling honored and blessed si Julie Anne San Jose na siya ang napiling bagong host ng “The Clash” Season 2 kapalit ng sumakabilang-network na si Regine Velasquez-Alcasid.

Ang sabi sa amin ni Julie Anne sa mediacon kahapon, hindi niya iniisip ‘yon na siya ang kapalit ni Regine.

Para sa kanya ay wala raw dapat palitan dahil eversince ay sobrang idol niya si Songbird mula nu’ng bata pa siya. Isa raw ito sa main reasons kaya naging successful ang unang season ng “The Clash” sa GMA.

Naniniwala rin si Julie na hindi niya kailangang i-fill ang anyone’s shoes. Gusto lang daw niyang i-deliver kung anong ine-expect ng mga tao sa kanya.

Pero hirit namin sa 25-anyos na singer-host-actress, nang umalis si Regine ay siya ‘yung naisip ng Kapuso network na maging kapalit nito, so parang siya na talaga ngayon ‘yung nandu’n sa iniwang puwesto ni Songbird.

“Kung ano po ‘yung will ni Lord, kung ano ‘yung binibigay po Niya, gina-grab ko lang po ‘yung opportunity.

“So, wala pong competition sa akin o rivalry. I just want to do my job I just want to make people happy and I’m here to sing and share my music with everyone. Basta si ate, Regine is Regine!” bulalas ni Julie Anne.

Bale silang dalawa ni Rayver Cruz ang magkatuwang na hosts o tinatawag na “The Clash” Masters. Nandu’n na raw ang rapport nila ni Rayver, pero gusto nilang ma-develop pa ang hosting skills nila. So, bago sumalang ay nag-workshop muna sila kay Direk Floy Quintos.

Ang JulieVer tandem nilang dalawa ay nabuo sa weekly musical show nilang “Studio 7”. Ngayon ay meron na silang “The Clash”, so mukhang pinu-push na rin silang dalawa ng GMA.

Sey ni Julie, natuwa siya dahil sobrang gaan katrabaho ni Rayver.

Alam ng lahat na may Janine Gutierrez si Rayver, pero may mga JulieVer fans na sini-ship silang dalawa.

“Kami pong dalawa ni Rayver, we’re really good friends and si Janine din po, we’re really good friends as well. I just don’t want people to think na, ‘O, may show silang dalawa!’ Bibigyan na ng malisya or whatever.”

Wala naman sa image niya ang nang-aahas, ‘di ba?

“Hindi po ako ganu’n. Ha! Ha! Ha! Hindi po ako pinalaki ng magulang ko na gano’n,” natatawang reaksyon ni Julie Anne.

Thankful daw silang dalawa na may nagsu-support sa kanila ni Rayver individually and together, pero siyempre ay nirerespeto niya raw ang relasyon nito with Janine.

Actually, sa mga taping daw nila ay nakikita niya rin si Janine dahil bumibisita ito sa set kay Rayver, so wala raw talagang dapat maging issue sa kanila.

Sa September 21 na ang premiere ng “The Clash” Season 2 na magbabalik bilang judges sina Lani Misalucha, Ai Ai delas Alas at Christian Bautista habang journey hosts naman sina Ken Chan at Rita Daniela.

JorSah ‘di nagkatuluyan

“Magsukul!” na ang ibig sabihin ay ‘salamat’ sa mga Sama Dilaut o Badjaw ang gustong ipahatid ng GMA sa mga tumutok sa finale episode ng “Sahaya” nu’ng nakaraang Biyernes.

May dahilan para lalong ma-proud si Bianca Umali sa nagtapos niyang epicserye dahil ayon sa NUTAM PPL Primetime ratings nu’ng September 6 ay 1 point lang ang lamang dito ng katapat na programa.

12.5% ang nakuhang rating ng farewell ep ng “Sahaya”.

Natuwa ang mga Kapuso na nagtapos on a high note ang isang serye na itinampok ang istorya ng mga kababayan nating Badjaw.

Medyo nalerky lang ang writer nito na si Suzette Doctolero dahil may mga umangal na hindi nagkatuluyan sa ending ang JorSah (Jordan-Sahaya) tandem nina Bianca at Migo Adecer.

Hirit tuloy ni Suzette sa tweet nito, “Na-disappoint kasi hindi nakuha ang JorSah. ‘Di nakita ang victory na nabawi ang ancestral lands, na mahirap mangyari in real life lalo at madaming problema. Na nag-mature din ang mga tao at pinanindigan ang choices sa buhay. Frustrating minsan talagang maging writer! Hahahaha!”