Abante Tonite Interactive

RBR hoopfest balik ‘Pinas

232

Balik sa Pilipinas sa ikatlong sunod na taon ang Red Bull Reign, ang pinakamalaking open 3-on-3 street basketball tournament sa mundo, para sa isa pang kompetisyon sa kapuluan ng bansa.

Ang torneo ay magsasama-sama sa mga koponan mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao para pag-agawan ang silya sa RBR Last Chance Qualifier Philippine National Finals sa Hunyo 29 sa High Street Amphitheater sa Bonifacio Global City, Taguig.

Ang tatanghaling kampeon ay uusad din sa 3rd Global Finals 2019 sa Agosto na gagawin sa Toronto, Canada.

Una nang sinagawa ang Red Bull Reign sa official debut nito sa ‘Pinas noong 2017. Sapul na ilunsad ay lumaki ang torneo bilang isa sa mga pangunahing street basketball tournament sa bansa.

Nagbigay daan din ito sa mga professional at amateur basketball player na magkaroon ng mga liga at hagdan para irepresenta ang bansa sa panglobong kompetisyon.

Sinagawang back-to-back ang world finals ng RBR sa Washington D.C., USA.
Ilan sa mga bansang nakalahok ay ang Belgium, Canada, India, Lithuania, Montenegro, Netherlands, Philippines, Russian Federation, Turkey at United Kingdom. (Lito Oredo)