Abante Tonite
Mabilis sa Balita

RCBC, Philrem, 14 pa sinubpoena sa $81M hacking

0 76

Pinatawag ng isang korte sa New York ang Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) ng mga Yuchengco dahil sa reklamo ng Bangladesh Central Bank kaugnay sa $81 milyong kinulimbat dito ng mga hacker noong 2016.

Sabi ng Bloomberry Resorts Corp. sa Philippine Stock Exchange (PSE) kahapon, nakatanggap ito ng `summons’ noong Setyembre 9, 2020 tungkol sa kasong isinampa ng Bangladesh Central Bank laban sa RCBC.

Ayon sa Bloomberry, damay sila sa `summons’ laban sa RCBC at kasama ang 15 pa tulad ni Lorenzo Tan na dating presidente ng RCBC at iba pang mga opisyal nito.

Pinangalanan din sa kaso ang Philrem Service Corp., Centurytex Trading, Eastern Hawaii Leisure Company Ltd., at Midas Hotel & Casino.

“The complaint in the State Court is for: conversion/theft/misappropriation; aiding and abetting the same; conspiracy to commit the same; Fraud (against RCBC); aiding and abetting and conspiracy to commit fraud; conspiracy to commit trespass against chattels; unust enrichment; and return of money received,” sabi ng Bloomberry.

Nagbayad ang RCBC ng P1 bilyong multa sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) dahil sa nangyaring pagnanakaw sa Bangladesh Central Bank ngunit hindi nito pinanagutan pa ito ng lubos dahil hindi pa nababayaran ang Bangladesh.

Walang disclosure ang RCBC tungkol sa `summons’ na inilahad ng Bloomberry kahit ang RCBC lamang ang inuusig para sa fraud o panlilinlang. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.