Abante Tonite
Mabilis sa Balita

RDO kokopo rin ng titulo bilang coach

0 200

Isa sa pinakamainam na stretch-4 si Ranidel De Ocampo noong kainitan ng kanyang career.

Kung hindi pinigil ng injuries nitong nagdaang ilang seasons, malamang naglalaro pa sa PBA ang 38-anyos na Caviteno. Nitong April, nagdesisyon si RDO na isabit na ang jersey pagkatapos ng 15 seasons – huling dalawa sa Meralco Bolts.

Sinalo agad siya ng dati niyang team na TNT, ginawang assistant kina head coach Bong Ravena at active consultant Mark Dickel. Lahat ng anim na championship rings ni De Ocampo ay galing sa KaTropa.

Siyempre pa, sa bigs tutuon si RDO. Ibabahagi niya ang angas ng laro sa mga maaasahan na ring sina Troy Rosario at Poy Erram.

Sa bench ng TNT, makakasama ni Ranidel ang iba pang assistants na sina Josh Reyes, Sandy Arespacochaga, Yuri Escueta, Sandro Soriano at dating NBA big man Alton Lister. Kelan lang ay sinipa ng KaTropa bilang assistant si Tab Baldwin.

Noong 2015 Commissioner’s Cup pa huling nagkampeon ang TNT.

“Gusto kong makatulong sa team,” ani De Ocampo kahapon. “Gusto kong maka-champion ulit ‘yung team at manalo.” Dahil unang subok, aminado si RDO na mag-a-adjust pa siya pero madali na aniya ‘yun. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.