Abante Tonite Interactive

Ready sa kasalan blues: Tropa ng ‘It’s Showtime’ nasa Japan na

0 1,012

Nasa Japan na ang tropa ng “It’s Showtime” para sa kasal bukas ni Vhong Navarro sa longtime girlfriend nitong si Tanya Winona Bautista.

Nu’ng isang araw pa panay na ang rampa at food trip doon sa Osaka nina Ryan Bang, Jhong Hilario, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta at mga production staff ng “It’s Showtime”. Nandu’n na rin ang ilang Streetboys na barkada ni Vhong.

Ang magdyowang Vice Ganda at Ion Perez ay kahapon lang sumunod. Birthday ni Ion kahapon kaya may swit-switang post si Vice sa IG para sa kanyang pinakamamahal na boyfie.

Panay ang kulitan nila sa eroplano bago umalis ang kanilang PAL flight to Japan.

First time ni Vice a-attend ng kasal na may kasamang dyowa, so for sure, feel na feel niya ang moment nila ni Ion bukas sa Vhong-Tanya wedding.

Ang buntis na si Anne Curtis ay dumalo sa kasal ng isang pinsan nito sa Tasmania, Australia kasama ang mister na si Erwan Heussaff.

Mereseng preggers ay segue si Anne with Erwan sa Japan para naman sa kasal ni Vhong.

Ang magdyowang Karylle at Yael Yuzon ay kahapon din lumipad pa-Japan.

Si Tyang Amy Perez ay nasa New York at doon nagbabakasyon with friends.

Nag-tape muna ng advance episodes ang “It’s Showtime” bago sila umalis at mukhang next week na ulit sila magla-live.

Ang sure lang namin na Ninong sa kasal ay ang manager at discoverer-mentor ni Vhong at ng Streetboys na si Direk Chito Roño. Hindi lang namin alam kung pinayagan itong magbiyahe ng kanyang doktor.

Ang wifey-to-be ni Vhong na si Tanya ay may pinost na prenup pic na ang caption nito ay, “Always standing by my side and giving me support”.

Ang daming nag-congratulate sa kanilang dalawa sa post nilang ‘yon. Tuwang-tuwa ang mga friends nila na sa wakas ay ikakasal na sila.

Our congratulations and best wishes to Vhong and Tanya!!

Dyowa ni Janella sumuporta sa premiere night

Nakakabingi ang hiyawan ng fans nina Maricel Soriano at Janella Salvador sa red carpet premiere ng “The Heiress” nu’ng Martes sa SM Megamall Cinema 7.

Nu’ng mismong screening na ay panay din ang tilian ng audience sa mga nakakatakot at nakakagulat na eksena.

Natuwa ang cast at si Direk Frasco Mortiz sa naging reaksyon ng audience, na feel na feel ang mga katatakutan, lalo na sa bandang ending na ang ingay ng crowd at meron pang palakpakan.

In fairness ay ang galing ng cast mula kay Maricel hanggang kina Janella, McCoy de Leon at Sunshine Cruz, pati si Jane de Leon na markado ang short role bilang young Luna na nu’ng tumanda ay naging si Maricel.

Iba talaga ang Diamond Star pagdating sa aktingan. Nakakatakot ang itsura ni Marya bilang mambabarang at may bonggang dayalog ito na pinalakpakan ng fans.

Hindi rin naman nagpahuli si Janella, na bet namin ang kasimplehan dito at kalma lang umarte.

Horror movie ito, pero in fairness ay may chemistry sila ni McCoy, na tipong knight in shining armor ni Janella. Kilig-kiligan ang mga faney sa yakapan at sweet moments nila.

Nu’ng premiere night ay suportado si Maricel ng anak-anakan niya sa “The General’s Daughter” na si Arjo Atayde.

Si Janella ay sinuportahan ng ate-atehan niya sa “The Killer Bride” na si Maja Salvador (with boyfriend Rambo Nuñez).

Nandu’n din ang rumored boyfie ni Janella na si Markus Paterson. Katabi namin ng upuan ‘yung Ingliserong bagets na kasama ni Markus at aliw na aliw kami sa napaka-OA na reaksyon nito sa mga eksena.

Walang special someone si McCoy, ganu’n din si Sunshine na hindi raw inimbita that night ang nobyo niyang si Macky Mathay at sa regular showing na lang daw sila manonood.

Wala siyempre ang bagong Darna na si Jane de Leon dahil guest role lang ito sa movie at pambida na ang peg nito ngayon.

Showing na sa mga sinehan ang “The Heiress” ng Regal Films directed by Frasco Mortiz.