Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Real Madrid umeskapo vs Barcelona

0 46

Wagi sa ‘El Clasico’ ng La Liga nitong Linggo (Manila time) ang Real Madrid kontra Barcelona, 3-1, sa Camp Nou sa Barcelona, Spain.

Pinangunahan nina Federico Valverde, Sergio Ramos, at Luka Modric ang Real Madrid para tabunan ang kalabang panig sa goal sa 5-63-90 minutes goal.

SM food to go Banner Ad

Isa sa highlight ng laban ang penalty kick ni Ramos sa ika-63 minuto na matapos ang video review kung nakitang hinila ito ni Barca defender Clement Lenglet.

Tanging si Ansu Fati (8′) ng Barcelona lamang ang nakapagtala ng goal para sa kanyang koponan. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.