Abante Tonite Interactive

Real property tax sa Maynila babawasan ng 20%

221

Tatanggalan ng 20% ang real property tax na umiiral sa lungsod ng Maynila.

Nabatid na nilagdaan kahapon ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang ­Ordinance No. 8567, na nagbibigay ng 20% ­reduction sa incremental real property taxes sa lahat­ ng uri.

“There is a need to adopt a more ­progressive and equitable revenue system to help our ­taxpayers from the detrimental effects of ­economic ­downturn,” base sa ordinansa.

“This may be achieved through a further ­reduction in the ceiling on the corresponding ­increase in the tax levy from 60% by 20% based on the incremental values of real properties ­under ­Ordinance No. 8330 (2014 General Revision of Real Property Assessments),” bahagi pa nito.

Base sa ordinansa, inaatasan ang City ­Treasurer’s Office at Department of Assessment na mag-isyu ng kinakalangang rules and guidelines sa loob ng limang araw matapos ang pag-apruba sa ordinansa.

“All other ordinances, acts, ­administrative ­orders, rules and regulations inconsistent with or contrary to the provisions of this ordinance are hereby repealed or otherwise modified ­accordingly,” ayon pa sa ordinansa.

Magiging epektibo sa Enero 1,2020 ang mabanggit na ordinansa. (Juliet de Loza-Cudia)