Abante Tonite Interactive

Realubit kinansela ang 3 laro ng MPBL sa Bataan

363

Kanselado ang tatlong laro ng 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League 2019 Lakan Cup eliminations Miyerkoles sa Bataan People’s Center sa Bala­nga City dahil sa pananalasa ng bagyong Falcon.

“Due to the disturbing weather condition, today’s (Wednesday) triple header scheduled in Bataan has been cancelled as per league officer-in-charge Rizaldy Realubit,” nakapaskil sa website ng liga.

Tokang magkatapat ang running-eight Bulacan(3-3) at winless pa sa six games na Marikina sa unang laro sa alas-4:00 ng hapon sa Group A o North Division.

Gayundin ang nasa 13th place sa Group A na Mindoro (1-3) at nasa ika-13 rin sa Group B (South Division) na Nueva Ejica (1-4) sa alas-6:30 ng gabi;
At ang Group A 10th placer, host Bataan (2-3) laban sa nasa ika-12 sa North Division na Navotas sa alas-8:30 ng gabi naman. (Aivan Episcope)