Abante Tonite Interactive

Reavis, Magnolia balik-manibela vs SMB

435

salitan

Kumamada si Rafi Reavis ng mahalagang 16 points, 15 rebounds at 2 steals para maging instrumento sa paglagok ng Magnolia Ang Pambansang ng 86-82 win kontra four-time defending champion San Miguel Beer Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang binanda ng 41-year-old, 6-foot-6 center-forward, 19-year pro veteran Fil-Am ang nagputong din sa kanya ng best player of the game mula sa TV panelists, bukod pa sa nagbalik-trangko sa Magnolia sa 2-1 lead sa race-to-four win finals series.

Pero si Mark Barroca ang talagang bumuhat sa mga pumuntos sa Hotshots, lumagare ng 22 markers, may tig-3 boards at assists, at tig-1 steal at blockshot upang ibawi ang team niya sa Game 2 108-101 loss nitong Biyernes sa nasabi ring Quezon City playing venue.

Bakas si Ian Sangalang kina Reavis at Barroca ng 17 pts. at 15 rebs. para maduplika ang 99-94 decision sa opener n g Magnolia sas nakalipas na Miyerkoles.

Nawalang saysay ang double-double job para sa SMB nina Arwind Santos (19 pts. at 12 rebs.) at five-time MVP June Mar Fajardo (17 markers at 14 boards). Maging ang 15-puntos ni terrence Romeo at 11 ni Alex Cabagnot.
‘Di pa malaking bagay para kay Ercito ‘Chito’ Victolero ang paghablot muli ng kanyang batalyon laban sa Beermen.

“We just won two games. This is not yet over. Ang maganda lang lamang kami (sa serye),” anang Magnolia coach, na nakatuon sa ikalawang sunod na kampeonato pagkaraan ng Governors’ Cup noong Disyembre. (Lito Oredo)