Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rebecca sabik sa ‘banatan’

0 172

NATATAKAM nang makabalik sa loob ng court si volleybelle Rebecca Rivera nang aminin nitong miss na niyang maglaro.

Makikita sa Instagram post ng dating Sta. Lucia Lady Realtor na naging emosyunal ito matapos ibahagi ang kanyang nararamdaman. “Longest I’ve ever gone without playing. Missing it a lil extra today,” sey ni Becca kasama ang litratong naglalaro ng volleyball.

SM food to go Banner Ad

Halos dalawang taon na rin kasing hindi nakakabalik sa hard court ang 25-anyos na balibolista dahil sa pandemic outbreak.

Ang Fil-Canadian spiker ay magugunitang naglaro sa Philippine SuperLiga taong 2017, kasalukuyan itong miyembro ng Petron Blaze Spikers. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.