Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rebelde sa showbiz hindi sikreto – Sotto

0 329

Inihayag ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III na lantad sa mga taga-showbiz kung sino ang mga makakaliwa sa kanilang mga kasamahan sa industriya.

“Alam na alam nila `yon, public knowledge sa showbiz `yon, kung sino `yong mga kaliwa doon. Alam na alam nila `yon,” sabi ni Sotto.

Tugon ito ng senador sa panayam sa kanya sa radyo kung saan tinanong siya hinggil sa isinagawang pagdinig ng komite ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson sa isyu ng red-tagging sa mga celebrity.

Ang dapat aniyang pagsabihan ay iyong mga bagito pa sa showbiz.

“Siguro mga bagito lang, `yon lang siguro ang dapat pagsabihan,” ani Sotto.

Tugon naman ito ng senador sa tanong kung dapat ba payuhan ang mga taga-showbiz na mag-ingat lalo ngayong may lumutang na testigo umano ng militar na nagsasabing target ng mga makakaliwa na mag-recruit ng mga nasa industriya. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.