Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rebulto ni Diaz sobrang astig

0 77

MALAPIT nang matapos ang isang rebulto na ginawa para kay 2020 Tokyo Olympic Games women’s weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz na nakatakda na lamang ilagay sa paglalagyan nitong lugar.

Isang post na nakita ng dating miyembro ng Philippine Sports Commission Women Weightlifting Team 1990 – 1992 na si Issai Danao (Liza Danao Jaluag) ang nagpapaktia sa naka-squat na porma ng naging 2016 Rio De Janeiro silver medalist din na si Diaz na tila gawa sa metal at kulay tanso.

“Nakita ko lang po sa isang post,” sabi ni Jaluag.

Ayon sa balita, iba pa ang rebultong ito na nakatakda ring ipagawa ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang pagbibigay pugay sa Zamboang City native.

Ilalagay ang nasabing rebulto na ipapagawa ng PSC weightlifting gym na nasa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.