Abante Tonite Interactive

Rebulto ni Ninoy wala pang paglilipatan

440

Tuluyan nang giniba ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang rebulto ng namayapang dating senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., sa isinagawang ‘road-clearing operation’ sa Quezon City, kahapon nang umaga.

Ayon kay QC Mayo­r Joy Belmonte, ang paggiba ay may pahintulot naman ng kanyang mga anak na sina dating Presidente Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at mga ka­patid niyang sina Ballsy, Pinky, Kris at Viel sa pangakong ililipat ito sa mas magandang relokasyon sa lungsod.

“The former President prefers the statue to be transferred to the park that was named after his father, but Kris wants it to be moved to an Ayala development at the City’s North Triangle,” ayon sa alkalde.

Nabatid na ang ibabang bahagi ng rebulto ni Ninoy na nakatayo sa kanto ng Timog at Quezon Ave­nue ay bahagyang nabasag ng mga tauhan ng DPWH habang nagsasagawa ng road-clearing operation.

Aniya, ang rebulto ni Ninoy ay pansa­mantalang ilalagak sa isang ‘storage facility’ para sa safekeeping habang naghahanap pa sila ng permanente at magandang relokasyon na hindi nakakasagabal sa daloy ng trapiko sa lugar. (Dolly Cabreza)