Abante Tonite Interactive

PBA: Recharge muna

By
11

Game 6 bukas (Philippine Arena, Bocaue)

7 p.m. – Ginebra vs. Meralco

Ang kompiyansa ni import Justin Brownlee at buong Ginebra ay nagmumula sa dalawang araw na pahinga sa pagitan ng Games 5 at 6 ng PBA Governors Cup Finals nila ng Meralco.

Itinagay ng Gin Kings ang Game 5 85-74 sa Philippine Arena sa Bocaue noong Linggo at muli ay puro na ang crowd favorites sa korona.

Bolts din ang biktima ng Gins noong isang taon sa parehong torneo na isinara nila sa six games sa buzzer-beating 3 ni Brownlee.

“What are we saving for? We got Monday and Tuesday to rest,” paliwanag ni Kings coach Tim Cone.

Pati si LA Tenorio ay ginamit din ng buong second half at siya ay rumesponde sa pamamagitan ng 17 points, six rebounds, four assists at tatlong steals na sumapaw sa apat na turnovers.

Isa iyong malaking bawi ni Tenorio na hindi umiskor sa 85-83 loss ng Ginebra sa Game 4 pero game na tinanggap ang hamon lalo pa’t hindi nakapaglaro ang injured na si Sol Mercado (left ankle sprain).

“Actually, coach Tim was apologizing to me because of the extended minutes, but I don’t care,” salaysay ni Tenorio.

“This is the championship. I’ll just rest after the series,” dagdag niya. “If I have to play for 48 minutes, I’m ready. I told him, even next game. We don’t have Sol now, so I’m ready to extend my minutes.”

Pagbawi din ang nasa isip ni Greg Slaughter na six points at five rebounds lang ang ginawa sa Game 4 pero nangaldag sa loob para sa 17 points, 16 rebounds at six blocked shots bilang starter.

Iginiit pa rin ni Brownlee na kahit na nakatuon sa kanya ang pansin ng karamihan, total team effort pa rin ang kailangan para mapanatili nila ang korona ng season-ending tournament.

“I’m sure we’ll be fired up Wednesday,” sabi niya.